^

Police Metro

ACT-CIS, suportado si Marcos

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa panawagan nitong pagkakaisa o “unity” at sa pangakong ipagpapatuloy ang mga programang nasimulan ng Duterte administration kaya’t suportado ng ACT-CIS Partylist si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Edvic Yap, nominee ng ACT-CIS, sa halip na bumanat, pagkakaisa ang tema ng BBM-Sara team na kanilang nagustuhan.

Anya, ang ibang kandidato ay panay puna at banat ang ginagawa habang ang UniTeam ay pilit inaabot ang kamay para sa pagkakaisa tungo sa recovery ng bansa sa pandemic at pag-unlad ng ekonomiya. Kilalang kaalyado ng Duterte Administration ang ACT- CIS kaya natuwa ito ng sabihin ni BBM na ipagpapatuloy ang mga hindi natapos na proyekto ni Pangulong Duterte.

“Napakaganda ng Build Build Program ni PRRD at tanging si BBM lang ang nangako na ipagpapatuloy niya ito sakaling mahalal na pangulo”,wika ni Yap.

vuukle comment

ACT-CIS PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with