^

Police Metro

Libong Pinoy na mahirap natulungan ng Pitmaster

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa unang taon na pagbibigay ng serbisyo ay nasa libong Pinoy sa bansa na nangangailangan ang natulungan ng Pitmaster Foundation.

Ang Pitmaster Foundation, na isang pambansang organisasyon ng kawanggawa na may malakas na ugnayan sa mga komunidad at mga institusyonal na kasosyo, ay isa sa pinakamalaking pribadong sektor na pinagmumulan ng tulong medikal at pinansyal sa mga mahihirap.

Sa unang taon nito, sa pamumuno ng chairman na si Charlie “Atong” Ang, ang foundation na pina­ngunahan ng Executive Director nitong si Atty. Caroline Cruz, na nagtutungo sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng banta ng pandemya, upang tulu­ngan ang libu-libong Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao, na naging sanhi upang tumatak sa isipan ng mga tao ang kahulugan ng PITMASTER (Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief).

Nirerekognisa rin sila dahil sa kanilang pagsisikap na tumulong sa paglaban sa COVID-19, gayundin laban sa kagutuman, kahirapan, at pagkawala ng kabuhayan na kaakibat nito.

Ayon kay Atty. Cruz, ang foundation ay nakatulong na sa halos 13,000 Pilipino sa kanilang mga dialysis treatment at nagbigay din ito ng tulong na pagkain sa mahigit sa 350,000 pamilyang Pilipino sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.

vuukle comment

PITMASTER FOUNDATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with