^

Police Metro

UP Security bill kanlungan ng mga komunistang terorista

Doris Franche - Pang-masa
UP Security bill kanlungan ng mga komunistang terorista
This undated photo shows the Oblation statue in the University of the Philippines campus in Diliman, Quezon City
Philstar File

MANILA, Philippines — Tanging mga kriminal at mga komunistang terorista lamang ang makikinabang sa itinutulak na panukalang batas na University of the Philippines (UP) Security Bill o House Bill 10171 na agarang inaprubahan ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.

Ito ang tahasang sinabi  ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman at Associate Provincial Pro­secutor para sa Region VI na si Atty. Flosemer Chris Gonzales.

Hindi naaayon sa Saligang Batas ang  pagtatangkang ipasa ng  mabilis ang panukala dahil sa iilan lamang ang makikinabang at maiiwan ang mga mismong mag-aaral ng unibersidad, mga guro at maging ang mga may-ari ng mga negosyo sa loob ng anumang sangay ng UP.

Aniya, magkakanlong lamang ito  ng mga kriminal at miyembro ng komunistang teroristang samahan na Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) .

Binigyan diin ni  Gonzales na ang UP Security Bill ay pagtatanggal ng seguridad sa mga taga-UP partikular sa mga kabataan dahil pagbabawal ito sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at  Philippine National Police (PNP) na pumasok sa  anumang  UP campus.

Sa laki ng mga UP campus, makakapagtago ang mga pinaghahanap ng batas, lalo na ang mga miyembro ng komunistang teroristang CPP-NPA-NDF at malaya pa ang mga ito na mang-recruit ng mga estudyante.

Ito rin ang  dahilan kaya hindi pumayag ang Department of National Defense (DND) na ituloy pa ang kasunduan o ang UP-DND Accord ng 1989 dahil pinagbabawalang pumasok ng basta-basta ang AFP o PNP sa mga UP campus.

vuukle comment

TERRORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with