PNP body cams water proof, may night vision — Eleazar
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ng Philippine National Police (PNP) na ang mga gagamiting Body Worn Cameras (BWCs) sa mga police operations ay water proof at nagtataglay ng night-vision na may kakayahang makakita sa 10 metrong layo sa dilim.
Ayon kay PNP chief P/Director General Guillermo Eleazar, ang mga body cameras ay may auto-night mode na may kapabilidad na na matukoy kung ano ang mga bagay na nasa paligid nito sa madilim na paligid.
“May mga operation na isinasagawa sa gabi and this was anticipated during the review of what type of body cameras would be procured by the PNP. Kaya nga ’yung bilin ng mga nakaraang liderato ng PNP ay kung bibili ay ’yung the best na at magagamit araw man o gabi o kahit masama pa ang pahanon,” pahayag ng PNP chief.
Ayon kay Eleazar, water proof din ang kanilang mga BWCs na makakapagrekord ng audio at video sa loob ng nasa 8 oras sa operasyon ng mga operatiba ng PNP.
Sinabi ni Eleazar na kapag nai-on ang video recording ay dapat na agad itong ipabatid ng police–in-charge sa desk officer na naka-duty sa istasyon ng pulisya at maging sa kanilang mga unit. Samantalang ang mga data na maire-rekord ay kailangang ipadala agad sa PNP Command Center para sa management at monitoring at kapag tapos na ang operasyon ay kailangan itong mai-off.
- Latest















