^

Police Metro

DENR at Kongreso pinabubusisi ang operasyon ng landfill sa Bataan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumiham si Bataan Gov. Albert S. Garcia sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa congressional oversight committee na busisiin ang umano’y bulto-bultong stockpile na mga electronic residual wastes mula sa mga imported na electronic wires at scraps na itinatapon sa landfill ng isang kumpanya.

Sinabi ni Hermosa Mayor Jopet Inton, ang naturang landfill ay inooperate ng kompanyang Econest Waste Management Corporation  nang pumasok ang Hermosa LGU sa isang kasunduan noong 2017 para ito ang mag-operate sa Hermosa Sanitary Landfill Facility sa Barangay Mambog.

Sa ilalim ng Public-Private Partnership, nagkaroon ng kasunduan ang Econest Waste Management Corporation at ang Pamahalaang Bayan Ng Hermosa na ipapagamit ang lupa ng LGU Hermosa Sanitary Landfill at ang private partner na Econest ang magbibigay ng technical expertise at kapital para i-rehabilitate, paunlarin at i-operate ang sanitary landfill facility sa bayan ng Hermosa sa loob ng 20  taon.

Subalit, sa loob lamang ng maiksing panahon, nadiskubre ang maraming paglabag umano ng Econest sa ECC at ilan dito ay ang pagpapabaya sa mga solid wastes sa landfill dahil walang sapat na daily soil cover at nagmistulang gabundok na basura tulad ng Payatas na anumang oras ay maaaring gumuho at tumapon sa Mambog Creek na ilang metro lamang ang layo.

Hinayaan lang din  umano na tumagas ang katas ng basura papunta sa Mambog Creek na dumadaan sa mga pamayanan patungo sa Manila Bay na maaari ring tumagos sa ilalim ng lupa at maapektuhan ang tubig sa ilalim nito.

Hindi rin umano sinusunod ang itinakdang disenyo ng mga tubo para sa katas ng basura kung saan gumamit lang ng PVC pipes gayung ang dapat ay HDPE pipes na mas matibay at pangmatagalan.

vuukle comment

DENR

LANDFILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with