Limang kelot inaresto habang kumakain ng pansit
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang limang katao habang kumakain ng pansit sa loob ng isang restoran dahil lumalabag umano sa social distancing kamakalawa sa Barangay San Jose, Baggao, Cagayan.
Ang mga inaresto ay kinilalang sina Erwin Tangbaoan, 30; Charles Valdres, 37; Joefrey Sabiano, 39; Dennis, 27; at kapatid na si Edward Nuñez, 24.
Sa ulat, alas-10:20 ng umaga ay nadaan ng mga nagpapatrulyang mga pulis ang limang kalalakihan na magkakasamang pinagsasaluhan ang mga inorder nilang pansit.
At dahil sa pinaiiral na GCQ ay mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkain sa loob ng mga restaurant at tanging take-out lamang ang pinahihintulutan ng batas upang maibsan ang umpukan ng mga tao na sanhi ng pagkalat ng virus.
- Latest