^

Police Metro

Ina, pinaghahataw ng pala ng anak, ulo wasak!

Cristina Timbang, Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pang-masa
Ina, pinaghahataw ng pala ng anak, ulo wasak!
Dead-on-arrival sa Greg Hospital sa Sariaya ang biktima na kinilalang si Mercy Million, 49-anyos, biyuda, at residente ng nasabing barangay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Wasak at halos mahati ang ulo ng isang ina na natutulog makaraang paghahatawin ng pala ng sariling anak na may diperensya umano sa pag-iisip, sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sampalok 1, Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Greg Hospital sa Sariaya ang biktima na kinilalang si Mercy Million, 49-anyos, biyuda, at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Major Romar Pacis, hepe ng Sariaya Police, arestado na ang suspek na si alyas Jay-R, 27-anyos, binata, jobless, sinasabing may diperensya sa pag-iisip, at nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Sinabi ni Pacis na habang natutulog ang ginang dakong alas-10:15 ng gabi nitong Biyernes sa kanyang kama nang lapitan ni Jay-R at bigla na lang pinaghahataw ng pala sa ulo.

Hindi na nagising pa ang ginang nang mawasak at halos mahati ang ulo nito sa tindi ng pagkakahataw ng pala. Naitakbo pa siya ng mga kaanak sa nasabing ospital subalit hindi na umabot pang buhay.

Agad na humingi ng tulong ang mga kapitbahay sa mga barangay tanod at inaresto ang suspek sa kanilang bahay.

vuukle comment

WASAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with