^

Police Metro

16,000 pasahero stranded kay ‘Ursula’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
16,000 pasahero stranded kay �Ursula�
Sinabi ni PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, may inihandang mga pagkain, tubig at matutulugan ang Department of Transportation sa mga stranded na pasahero.
Kriz John Rosales

MANILA, Philippines — Umaabot sa 16,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Ursula.

Ito naman ang iniulat ng Philippine Coast Guard kaya’t  hindi na pinayagan ang mga barko na maglayag sa mga lugar kung saan nakataas ang mga storm warning signal mula 1 pataas.

Sinabi ni PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, may inihandang mga pagkain, tubig at matutulugan ang Department of Transportation sa mga stranded na pasahero.

“Ang mahirap dito iyong mga nakabiyahe na, tulad doon sa Matnog [Port], andoon na eh. Hindi naman nila na-anticipate na talagang mabilis iyong bagyo, akala nila makakatawid pa, talagang na-stranded sila,” pahayag ni Balilo.

Nasa pantalan ng Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Luzon, Northern Mindanao, Western Mindanao at Southern Visayas ang higit-kumulang 16,649 na pasahero simula pa ng alas-4:00 ng mada­ling araw.

Pinatigil na rin ang operasyon ng 1,896 rol­ling cargo ships, 96 vessels at 15 motorbanca dahil sa sama ng panahon

vuukle comment

BAGYONG URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with