^

Police Metro

Ginang na may kasong droga sa Caloocan, itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 33-anyos na ginang na dati nang naaresto sa iligal na droga matapos na pagbabarilin ng isang lalaking nakamotorsiklo sa kanto ng Hermosa at Juan Luna Sts., Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Maydel Magcanlas, ng no. 478 Guido-IV, Maypajo, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago naganap ang krimen,alas-3:25 ng hapon nitong Martes ay sumakay ang biktima ng tricycle mula Maypajo,Caloocan City at nagpahatid sa Gagalangin,Tondo.

Pagdating sa nasabing lugar ay bumaba ang biktima na siya namang pagsulpot ng suspek at walang kaabog-abog na pagbabarilin ito gamit ang kalibre 45 baril.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng isang Mio Sporty na kulay pink at kumbinasyong puti.

Nabatid na ang biktima ay dati na umanong inaresto ng Caloocan Police kaugnay sa illegal drugs.

vuukle comment

ILIGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with