^

Police Metro

Pulis-QC tinodas ng tandem

Mer Layson - Pang-masa
Pulis-QC tinodas ng tandem
Sinisiyasat ng SOCO ang bangkay ni Police Lieute­nant Ernesto Mendoza, 52, ng District Logistic Division (DLD) ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na ito ay pagbabarilin ng riding in tandem.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Police Lieutenant Ernesto Mendoza, 52, may-asawa, nakatalaga sa District Logistic Division (DLD) ng Quezon City Police District (QCPD) na nakatira sa Central Avenue kanto ng Visayas Alley, Brgy. New Era, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaril, alas-8:10 ng gabi sa Malingap St., kanto ng Mapagkawanggawa St, Brgy. Teachers Village, Quezon City ay papauwi na ang biktima sa kanyang bahay mula sa duty nito sa Camp Karingal, Quezon City.

Minamaneho nito ang kanyang Hyundai Accent (DAD-5607) nang salubungin siya ng isang motorsiklo at dinikitan ang kanyang sasakyan at sunud-sunod na pinaputukan.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang kanilang target ay mabilis na pinaharurot ang kanilang motrosiklo.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang 11 basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril at dalawang hindi pumutok na bala.

vuukle comment

ERNESTO MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with