^

Police Metro

Chinese, abogado arestado sa panunuhol

Danilo Garcia - Pang-masa
Chinese, abogado arestado sa panunuhol
Kinilala ang mga inaresto na sina Xiangfei Huang, 29, nanunuluyan sa Gramercy Hotel sa Makati City; Joselito Vasquez, 56, abogado; at si Meljohn Palma, 43, messenger, residente ng Imus, Cavite.
File

MANILA, Philippines — Inaresto kahapon isang Chinese national, kanyang abogado, at isa pang lalaki makaraang suhulan umano ang mga pulis para mapalaya ang isang Tsino na nahuli sa isang sex den kamakailan sa Makati City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Xiangfei Huang, 29, nanunuluyan sa Gramercy Hotel sa Makati City; Joselito Vasquez, 56, abogado; at si Meljohn Palma, 43, messenger, residente ng Imus, Cavite.

Sa ulat ng NCRPO-RSOU, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa loob ng kanilang tanggapan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Matatandaan na unang sinalakay ng pulisya ang isang sex den at kuta ng sindikato ng human trafficking sa Makati City na nagresulta sa pagkakasagip sa anim na babaeng Vietnamese na pinagtatrabaho bilang sex workers habang dalawang Chinese national ang nadakip.

Kumontak umano ang abogadong si Vasquez sa hepe ng RSOU na si PCol. Rogarth Campo at nag-alok ng P2-milyon paraåmga pulis ng entrapment.

Nagtungo sa tanggapan ni Campo ang tatlong suspek ngunit tanging P1-mil­yon lang umano ang iniabot ng abogado. Nang mag­kabigayan ng pera, dito na sumulpot ang mga pulis at pinosasan ang tatlo. Bukod sa P1-milyong iniabot kay Campo, may P200,000 pera pa ang narekober naman sa posesyon ng messenger na si Palma na umaakto rin nilang drayber.

vuukle comment

SUHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with