^

Police Metro

Barangay chairman todas sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa
Barangay chairman todas sa ambush
Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-5:00 ng hapon ay sakay ng kanyang scooter ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Gil Puyat Avenue at pagda­ting sa tapat ng Pasay City Academy ay doon siya pinagbabaril ng dalawang suspek.
File

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ang biktima na nadala pa sa Manila Adventist Medical Center ngunit tuluyang nasawi dahil sa maraming tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Jojo Balais Abagon, 42, chairman ng Barangay 37, Zone 3, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-5:00 ng hapon ay sakay ng kanyang scooter ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Gil Puyat Avenue at pagda­ting sa tapat ng Pasay City Academy ay doon siya pinagbabaril ng dalawang suspek.

Nang bumagsak sa kalsada ay muli siyang binaril para masigurong hindi na mabubuhay pa bago tuluyang tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

MANILA ADVENTIST MEDICAL CENTER

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with