^

Police Metro

‘Ending’ ‘wag pakialaman – Digong

Malou Escudero - Pang-masa
�Ending� �wag pakialaman � Digong
Sa talumpati ng Pa­ngulo sa ika-118th Police Service Anniversary Celebration, sa Camp Crame, Quezon City kamakalawa, natalakay ng Pangulo ang iba’t-ibang uri ng sugal kabilang ang ending na hindi na aniya dapat pakialaman pa ng PNP.
File

MANILA, Philippines — Tahasang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na huwag nang pakialaman ang sugal na ‘ending’.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa ika-118th Police Service Anniversary Celebration, sa Camp Crame, Quezon City kamakalawa, natalakay ng Pangulo ang iba’t-ibang uri ng sugal kabilang ang ending na hindi na aniya dapat pakialaman pa ng PNP.

“So there’s the casino. In my place in Davao City, there was one or there is one and itong sabong. Ito namang mga last two, last two, huwag na ninyong pakialaman yan,” sabi ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na kalimitang laro lamang ng mga magkakapitbahay ang ending.

“It’s a neighborhood activity. Tapos ‘pag hulihin pa ninyo,” sabi ni Duterte.

Sinabihan pa ng Pa­ngulo ang pulisya na pumatay na lamang ng mga durugista at huwag pagdiskitahan ang en­ding maliban na lamang kung pinapatakbo na ito ng sindikato.

“Magpatay na lang kayo ng durugista diyan…Huwag lang pumasok ang sindikato. ‘Pag ang ending hawakan with people who are known to be gamblers and professional manipulators, you have to intervene,” ani Duterte.

vuukle comment

ENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with