^

Police Metro

Family driver nadulas, nakuryente

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang family driver ang nasawi matapos itong makuryente at malunod nang madulas sa hagdan ng tangke ng tubig kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Pablo Bustrillo, ng no. 125 Alley F. Telecom Compound, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa basement ng 5-storey residential building sa no. 1711 Alvarez St., Sta. Cruz ay pababa na ang biktima sa bakal na hagdan para linisin ang tangke nang ito ay madulas at dumiretso sa loob mismo ng tangke na may lamang 2 talampa­kang tubig.

Nakita ng among si  Angel Tiu ang insidente at tinanong ang  biktima sa loob ng tangke kung kamusta ang lagay ay hindi ito sumasagot kaya’t tinawag ang isa pang empleyado para tulungan ang biktima na maiahon sa loob ng tangke.

Nang aapak ang em­pleyado sa tubig sa loob ng tangke naramdaman niya na may kuryente ipinapatay ang water pump na kung saan ay nakita ang biktima na hindi na humihinga. - Keanna Tiatco-trainee

vuukle comment

KURYENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with