^

Police Metro

Cavite drug bust: 2 utas, 3 timbog

Cristina Timbang - Pang-masa
Cavite drug bust: 2 utas, 3 timbog
Ang dalawang napatay na suspek ay kinilalang sina Narciso Briggs, 38; at si Leonard Imas, 37, kapwa residente ng Citihomes Subdivision, Phase 3, Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite.
File

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang nasawi habang tatlo ang nadakip sa isang drug bust operation ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ang dalawang napatay na suspek ay kinilalang sina Narciso Briggs, 38; at si Leonard Imas, 37, kapwa residente ng Citihomes Subdivision, Phase 3, Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ang tatlong naaresto ay kinilalang sina Roland Tabing Bordoy, 46, ng Tagle Compound, Brgy. Pasong Buaya 2 Imus City; Paulo Ramos, 30, ng Brgy.Buot, Tanauan City Batangas at Richard Balakit, 31.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang ikasa ang drug bust operation labang sa mga suspek at dito ay umaktong buyer ang isang pulis.

Nang magkakaabutan ng items ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang ka-deal nila kaya’t nagtatakbo ang mga ito at nakipagbarilan sa kapulisan.

Tumagal ng limang minuto ang barilan na kung saan ay nasawi ang dalawang suspek at naaresto ang tatlo pa.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with