^

Police Metro

AFP sa Makabayan bloc: Kondenahin ang gawain ng NPA rebels

Gemma Garcia - Pang-masa
AFP sa Makabayan bloc: Kondenahin ang gawain ng NPA rebels
Ayon kay Major Ge­neral Antonio Parlade Jr., hepe ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na ito na ang tamang pagkakataon na patunayan ng Makabayan partylist bloc na mali ang AFP sa pagparatang na iisa ang kanilang mga adhikain sa komunistang grupo.
File

MANILA, Philippines — “Patunayan na hindi kayo kaalyado ng mga komunista”.

Ito ang naging ha­mon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Makabayan partylist bloc sa Kongreso na kondenahin ang mga gawain ng New People’s Army (NPA) rebels.

Ayon kay Major Ge­neral Antonio Parlade Jr., hepe ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na ito na ang tamang pagkakataon na patunayan ng Makabayan partylist bloc na mali ang AFP sa pagparatang na iisa ang kanilang mga adhikain sa komunistang grupo.

Anya, maaari namang kondenahin ng Makaba­yan bloc ang mga tero­ristang NPA sa ginagawa nilang karahasan at kung hindi nila ito magagawa ay wala silang pinagkaiba kay Joma Sison.

Ang Makabayan bloc ay kinabibilangan ng Ba­yan Muna, Anakpawis, Gabriela, ACT Teacher, at Kabataan.

Kung hindi umano kayang kondenahin ng grupong Makabayan ang mga gawi ng NPA ay nagpapatunay lamang ito na sila ay isang “legal front” ng CPP-NPA.

Mariin namang itinanggi ng Makabayan bloc at sinabing ang kanilang mga partylist group sa darating na midterm elections ay hindi legal front ng CPP-NPA.

vuukle comment

MAKABAYAN PARTYLIST BLOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with