^

Police Metro

Karnaper dedo sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay noon din ang isang lalaki na umano ay karnaper ng mga motorsiklo nang makipagbarilan sa mga tumutugis na pulis kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

 

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Benjamin Taroy, 34, ng No. 1017 Que Grande, Brgy. Ugong.

Bago naganap ang engkuwentro pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang harangin at tangayin ng dalawang lalaki ang motorsiklo ni Abner John Amurao sa may Capt. Cruz Street, Barangay Parada. 

Nagkataon na may  napadaan na mobile patrol unit ng Valenzuela City Police kaya agad na nakahingi ng saklolo ang biktima na nagpalabas ng alarma hanggang sa mamataan ang ninakaw na motorsiklo sa may Que Grande Street, Brgy. Ugong dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Rumesponde ang mga tauhan Valenzuela Anti-Carnapping Unit, Station Intelligence Branch at Special Operations Unit at nagkaroon ng habulan hanggang sa nakipagbarilan ang mga salarin sa isang eskinita.

Isa sa mga salarin ang napuruhan at napatay na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang nakatakas ang isa.

Positibo namang kinilala ng biktima ang napaslang na suspek at ang kanyang motorsiklo na nabawi ng mga pulis. 

Apat pang iba’t ibang uri ng motorsiklo at tatlong kinatay na motorsiklo ang narekober sa kuta ng mga suspek. 

vuukle comment

BARILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with