^

Police Metro

4 may-ari ng KTV niratrat

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Duguang bumulagta ang apat na katao na pawang magkakasosyo sa ­videoke bar matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanilang establisyimento kahapon ng madaling araw sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Eugene Javier; misis nitong si Princess; kaanak nilang si Ramsey Javier at misis na si Mikaela na pawang mga may-ari ng Starbabe Videoke Bar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw
ay may nakatalo ang mga biktima ng dalawang lalaki na kanilang kustomer.

Ilang sandali habang nagtatalo isa sa dalawang suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Natagpuan sa crime scena ang nagkalat na basyo ng bala ng kalibre 45 at kalibre 9mm.

vuukle comment

EUGENE JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with