Average na 12K Pinoy namamatay sa road accidents kada taon
MANILA, Philippines — Umaabot sa average na 12,000 Pinoy ang namamatay dahil sa aksidente sa kalsada kada taon.
Ito ang iniulat kahapon ni Department of Health (DOH) Spokesperson Albert Domingo sa isang public briefing na kalimitang banggaan, sagasa at mga gumagamit ng bisikleta at motorsiklo ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
Nabatid na ginugunita ng DOH ang Road Safety Month ngayong Mayo.
Iniulat rin naman ni Domingo na ang mga road traffic deaths sa bansa ay tumaas pa mula 7,938 noong 2011 at naging 11,096 na karamihan o 84% ng mga biktima ay pawang lalaki.
Nabatid na ang road accidents din ang itinuturing na pang-walo sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong mundo.
Sinabi pa ni Domingo na ang nais ng DOH ay mapaghusay at gumanda ang awareness, understanding, at attitude ng mga mamamayan tungo sa road safety.
Target rin aniya nilang mabawasan ang road traffic deaths ng 35% pagsapit ng 2028, sa pamamagitan ng Philippine Road Safety Action Plan at ng Inter-Agency Technical Working group on active transport.
- Latest