^

Police Metro

Hard discount retailer inireklamo sa DTI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang aktibong consumer advocate group ang naghain ng reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa  mga hinaing ng mga Pinoy konsyumer sa isang hard discount retailer.

Sa sulat ng Mala­yang Konsyumer (MK) sa Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI na may petsang Mayo 16,2024, inilahad dito ang mga kuwestiyo­nable at kaduda-dudang pamamalakad ng Dali Everyday Grocery sa operasyon nito, kabilang ang umano’y paglagay ng yelo sa mga manok upang tumaas ang timbang, may umanong uod na manok, pagbebenta umano ng mga pekeng produkto (tulad ng honey), at umano’y bastos na pakikitungo ng mga tauhan sa customers.

Pirmado ni Atty.Simoun Salinas, spokesman ng MK, ang liham at personal na inihain noong Huwebes sa opisina ng FTEB ni Mr. Jansen Magsano, ang convenor ng organisasyon.

Binigyang-diin ng tagapagsalita ng MK na taong 2021 pa ay ini­rereklamo na ng mga mamimili ang Dali at sa kasalukuyan ay tadtad umano ng masasamang komento ang Facebook page ng establisyemento.

“Kami’y nananawagan sa Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI. Naniniwala kami sa Malayang Konsyumer na bawat mamimiling Pilipino ay nararapat na madinig ang kanyang reklamo tungkol sa anumang produkto at serbisyong inihahain sa merkado. At mas lalo kaming naniniwala na may karapatan ang bawat Pilipino para sa ligtas, maayos, at maaasahang pamimili ng mga produkto,” giit ni Salinas.

Ang Malayang Konsyumer ay isang multi-sectoral consumer policy protection grassroots organization na nagsusulong ng proteksiyon, karapatan, at kapakanan ng mga mamimiling Pilipino.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with