^

Police Metro

2 terorista dedo sa engkwentro

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang dalawang terorista na kasapi ng executive committee ng Sub-Regional Command (SRC) – Daguma of Far South Mindanao Region (FSMR) nang makasagupa ang mga sundalo nitong Huwebes sa Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., pinuno ng 57th Infantry (Masikap) Battalion, alas-5:43 ng umaga nang maganap ang sagupaan sa Sitio Lamuan, Brgy. Salangsang, Lebak, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Mabute, nakatanggap sila ng report hinggil sa pangingikil ng armadong grupo sa nasabing lugar.

Agad na naglatag ng decisive military operations ang tropa ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo at pagdating sa naturang lugar agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng higit sa 10 kasapi ng FSMR.

Gumanti naman ng putok ang mga sundalo na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang terorista habang mabilis naman tumakas ang mga kasamahan.

vuukle comment

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with