^

Police Metro

Police Colonel na nahuling bumabatak ng shabu, nagpositibo sa drug test

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mahuli kamakalawa sa aktong bu­ma­batak ng shabu si Supt. Lito Cabamongan,50, kasama ang isang babae sa isang bahay sa Las Piñas City ay nagpositibo ito sa isinagawang drug test ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame.

Si Cabamongan, ay ang nasibak na hepe ng PNP Crime Laboratory Satellite Office sa Alabang, Muntinlupa City matapos maaresto ay isinalang sa drug test habang isinasailalim sa masusing imbestigas­yon. 

Kapag lumitaw na positibo sa paggamit ng droga sa confirmatory test si Cabamongan  ay ito ang pagbabasehan ng pagsasampa ng karagdagang kasong grave misconduct upang tuluyan na itong masibak sa serbisyo.

Sa kasalukuyan si Ca­bamongan ay  nakatalaga  sa General Services Section  (GSS) Administration and Records Ma­nagement Division sa PNP Crime Laboratory sa National Headquarters ng PNP.

Magugunita na si Ca­bamongan, at isa pang drug user na si Nedy Sabdao, 44 ay nahuli ng mga operatiba sa aktong bumabatak ng shabu sa loob ng isang bahay sa Everlasting Homes, Brgy. Talon IV bandang alas-5:30 ng umaga noong Huwebes. 

Isasalang rin sa neuro psychiatric test si Cabamongan  dahilan sa hindi magandang inasal nito nang iharap ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde  kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa press briefing sa Las Piñas City.

Sa nasabing insidente ay walang pasubaling si­nagot-sagot ng pabalang at hindi binigyan ng respeto ni Cabamongan si Dela Rosa na sinabing nagsu-surveillance lamang umano siya sa lugar at hindi tumitira ng droga para umano manghuli  ng mga drug addict.

Nabatid na matagal nang nasibak sa serbisyo si Cabamongan matapos itong unang arestuhin kamakailan dahilan sa panggugulo sa isang sinehan kung saan nagpumilit itong manood ng sine ng libre dahilan isa umano siyang opisyal.

vuukle comment

LITO CABAMONGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with