^

Police Metro

‘Food Stamp Program’ ipatutupad na nationwide

Gemma Garcia - Pang-masa
�Food Stamp Program� ipatutupad na nationwide
Nag-isyu na rin si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 44 na nagtatag sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na isang flagship program ng DSWD na may mandato para gumawa ng hakbang para sa matagumpay na implementasyon at pagpapalawak ng naturang programa.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Matapos ang isinagawang pilot implementation, inanunsyo kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipatutupad na sa buong bansa ang “Food Stamp Program” ng pamahalaan.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa Hulyo ay ipatutupad na ang nasabing programa matapos ang anim na buwan na matagumpay na pilot implementation nito sa ilang bahagi ng bansa.

Nag-isyu na rin si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 44 na nagtatag sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na isang flagship program ng DSWD na may mandato para gumawa ng hakbang para sa matagumpay na implementasyon at pagpapalawak ng naturang programa.

Layon ng programa na bawasan ang insidente ng kagutumang nararanapan ng mga low income household sa  pagbibigay ng monetary-based assistance sa pamamagitan ng Eletronic Benefit Transfer (EBT) cards na maaaring gamitin sa pagbili ng ilang food commodities mula sa mga elegible partner merchant store.

Sinabi naman ni DSWD Usec. Edu Punay na sinisi­mulan na nila ang preparas­yon para sa “full implementation” ng nasabing programa at isa rito ang pagkuha sa mga kakailanganing staff sa mga lugar na sakop ng programa.

Paliwanag ni Punay, ang programa ay ipapatupad sa 10 rehiyon at 12 lalawigan na may initial target na 300,000 pamilya. Ngayon buwan, sinisimulan na aniya ang validation at registration ng may 300,000 benepisyaryo para sa implementasyon ng programa sa Hulyo at nakakuha na rin sila ng 1,000 validators para rito.

May 21 lalawigan at 10 rehiyon ang natukoy ng DSWD bilang priority areas.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with