^

Police Metro

No ‘loyalty check’ sa PNP – Pres. Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
No �loyalty check� sa PNP � Pres. Marcos
Members of the Philippines National Police (PNP) wait for instructions on security measures inside the Batasang Pambansa Complex on July 20, 2023, as part of the preparations for the upcoming State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
STAR / Jesse Busto

Destab plot, mula sa mga retirado...

MANILA, Philippines — Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magsagawa ng loyalty check sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang ambush interview sa General Santos City, hiningan ng komento ang Pangulo tungkol sa pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes na mayroong destabilisasyon sa kanyang administrasyon mula sa ilang aktibo at retiradong opisyal ng PNP.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na wala silang natatanggap na report na mayroong destab plot sa mga aktibong pulis ng PNP, subalit baka mayroong gumagalaw sa mga retirado.

“ I don’t see --- wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa,” ayon sa Presidente.

Nilinaw pa niya na sa mga kapulisan lalo na sa mga opisyal ng PNP ay wala silang nakikitang namumulitika at hindi rin naman niya alam kung ano ang loyalty check at paano niya sasabihin sa tao.

Sa kabila nito, titingnan pa rin aniya nila ang record ng mga sinasabing nagpaplano ng destab laban sa gobyerno.

Hiling naman ni Marcos sa PNP at Armed Forces na gawin ang kanilang trabaho at maging propesyunal kahit na hindi siya ang kanilang binoto.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with