^

Police Metro

Dahil sa alitan sa parking, Trike driver pinagbabaril, kritikal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasa kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver  matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki na nakaalitan dahil lamang sa parking, sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng  bala sa leeg, likod at braso ang biktimang kinilalang si Jimmy Mondala, 41, at residente ng no. 2550 P. Guevarra St., sa Sta. Cruz, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng isang Ford Ranger na pick-up na may plakang XHX-240.   Isa sa tatlong suspek ang inilarawan na may taas na 5’7, nasa 45 hanggang 50. Nakasuot ng itim na shorts at puti ang t-shirt.

Sa ulat ni  SPO1 Julio Espiritu ng  Manila Police District-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-  9:15 ng gabi  sa panulukan ng Leonor Rivera at Blumentritt Sts., Sta. Cruz.

Nabatid na sa mga oras na iyon ay napakaraming nakaparada sa lugar na mga delivery truck at dyip dahil bagsakan iyon ng mga prutas kaya masikip ang kalye, hanggang sa marinig na lamang na nakikipagtalo sa biktima ang 3 suspek na sakay ng Ford ranger  kaugnay sa parking area.

Maya-maya ay nakitang bumaba ng sasakyan ang mga suspek at nagtungo sa isang lugar sa L. Rivera St. at nang bumalik ay pinagbabaril na umano ang biktima gamit ang.9mm kalibre ng baril.

Nang bumagsak na ang biktima ay nagsisakay na ang mga suspek sa sasakyang pick-up at agad na tumakas.

Dumating ang kapatid ng biktima na si Jojo Mondala na kapwa tricycle driver at isinugod ito sa kalapit na ospital.  

vuukle comment

TRIKE DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with