^

Police Metro

Kolehiyala dinukot, pinilahan ng tatlo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na kolehiyala ang dinukot habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay at pagkatapos ay salit-salitang ginahasa ng tatlong lalaki kamakailan sa Valenzuela City.

Sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang mga suspek na  kinila­lang sina Marvin Geronimo at Napoleon Nicor, kapwa nasa hustong gulang habang tinutugis ang ikatlong suspek na kinilalang alyas Tsong na sinampahan ng kasong panggagahasa at abduction sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, mag-isang nag­lalakad pauwi galing sa isang internet shop ang biktimang itinago sa pa­ngalang “Jane”, estudyante ng Global Reciprocal Colleges, dakong alas-10:30 ng gabi nitong Setyembre 29 sa may Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan, nang harangin ng dalawang suspek at tinakot na sasaksakin kung mag-iingay.

Isinakay si Jane ng mga suspek sa isang single na motorsiklo at piniringan saka pinaharurot ang sasakyan at dinala sa isang barung-barong sa may Dulong Tangke, Brgy. Malitan kung saan naghihintay ang isa pang lalaki. 

Dito na halinhinang ginahasa ng mga suspek ang biktima hanggang sa mawalan ng malay ang dalaga at nagising ito  kinabukasan na wala na ang mga suspek at humingi ng  saklolo sa mga residente.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct 9 na nagresulta sa pagkakadakip kina Geronimo at Nicor.

Sa resulta ng pagsusuri ay positibo na nagkaroon ng “blunt penetration trauma” ang hymen ng biktima dulot nang panggagahasa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with