^

Police Metro

Maskulado ang katawan pinagtripang saksakin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang 19-anyos na binata matapos siyang pagtripang bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kalalakihan na nainggit sa maskulado nitong katawan kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Victor Hue Villar, 19, estudyante, at residente ng No. 200 Magnolia Street, De Castro Subdivision,Paso de Blas, ng lungsod.

Naaresto ng mga pulis ang dalawang suspek na sina Daryl Soriano,18, at Clark Ramos, 18, kapwa ng Liwang Compound, Paso de Blas na kinasuhan ng frustrated homicide.

Batay sa ulat,dakong alas-7:10 ng gabi ay naglalakad sa De Castro Subdivision ang biktima kasama ang kapatid na si Nicole Earl patungo sa isang fitness gym nang sigawan ng “hoy” ng isang grupo ng lalaki.

Lumingon si Victor at nag-dirty finger sign sa mga suspek kaya’t sinundan silang magkapatid at pinagtulungang bugbugin at saksakin.

vuukle comment

ANG

BATAY

CLARK RAMOS

DARYL SORIANO

DE CASTRO SUBDIVISION

LIWANG COMPOUND

LUMINGON

MAGNOLIA STREET

NICOLE EARL

VALENZUELA CITY

VICTOR HUE VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with