^

Police Metro

Misis patay sa kaaway ng mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang ginang habang nasa kritikal na kondisyon ang mister nito matapos na pagbabarilin ng kaaway ng huli habang kaharap ang kanilang anak kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Pangdel, Bayambang, Pangasinan.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Rosarion Joy Tantoco, 32.

Nilalapatan naman ng lunas sa Region 1 Medical Center ang mister nitong si Salvador, 39. Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Michael Aquino na pinaghahanap na ng pulisya.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-10:20 ng gabi sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Pangdel, Ba­yambang ay kasaluku­yang namamahinga na ang mga ito nang bulabugin sila ng suspek kaya’t lumabas ang mag-asawa at kinompronta ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang lalaki.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang mag-asawa at sugatang nakatakbo ang mister habang naiwan ang misis at  tinapos ng  suspek.

Nasaksihan ng 9-an­yos na anak na babae ng ginang na si John Maicah Franchesca Austria ang pangyayari.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pamamaril sa mag-asawa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BAYAMBANG

BRGY

JOHN MAICAH FRANCHESCA AUSTRIA

MEDICAL CENTER

MICHAEL AQUINO

NASAKSIHAN

PANGDEL

ROSARION JOY TANTOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with