^

Police Metro

Misis kinatay ng lover sa motel

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mistulang hayop na kinatay ang isang 25-anyos na ginang ng kanyang hindi pa nakikilalang lo­ver matapos ataduhin nang saksak ang katawan nito sa loob ng isang motel sa Bakakeng Central, Baguio City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mercy Mapili, may-asawa, tubong Itogon, Benguet at residente ng Camp 6 Tuba, Benguet.

Pinaghahanap naman ang lalaki na kasama ng ginang na pinaghihinalaang lover nito na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang bangkay ng biktima sa Room No. 32 ng Nova Lodge na matatagpuan sa kahabaan ng Bengao Road, Baka­keng Central ng naka-duty na security guard na si John Paul Lengueb ay nag-checkin ang dalawa dakong alas-4:24 ng madaling araw noong Miyerkules.

Kinabukasan bandang alas-5:00 ng umaga ay tinawagan sa telepono ng naka-duty na  security guard ang kuwarto ng mag-lover bunga ng kalabugan na narinig mula sa loob nito.

Sinagot naman umano ng lover ng ginang ang telepono sa pagsasabing  mainit lamang ang kanilang romansa kaya may kalabugan.

Ilang oras ang nakalipas ay nagmamadaling tumakas ang lalaki at ng inspeksyunin ng guwardiya ang kuwarto  ay bumulaga ang bangkay ng ginang na nakabalot pa sa bedsheet.

Bigong makilala ang suspek dahilan walang CCTV sa nasabing motel.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na wala silang masabi kung sino ang lover nito dahilan wala itong alam sa pakikipagrelasyon ng kapatid sa ibang lalaki.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGUIO CITY

BAKAKENG CENTRAL

BENGAO ROAD

BENGUET

JOHN PAUL LENGUEB

MERCY MAPILI

NOVA LODGE

ROOM NO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with