^

Police Metro

Tinedyer binoga sa harap ng mga tropa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malapitang binaril ng hindi pa kilalang salarin ang isang 17-anyos na binatilyo habang kausap nito ang mga kaibigan sa gate ng Parola Compound, Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na namatay habang dinadala sa ospital dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Mark Joseph Relucio residente ng no. 0571 Area H,  Gate 56,  Parola Compound, Binondo.

Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling araw sa Gate 56, Parola Compound ay kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan na nagkakasiyahan bilang pagdiriwang sa bagong taon nang biglang lapitan ng suspek at pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaswal na naglakad sa pagtakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na idineklarang dead on arrival.

 

vuukle comment

ANG

AREA H

BATAY

BIKTIMA

BINONDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

KASWAL

MALAPITANG

MARK JOSEPH RELUCIO

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with