^

Police Metro

Sulu encounter: 5 Abu napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang limang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa nito ang tropa ng pamahalaan sa kagubatan ng Brgy.  Liang, Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-8:10 ng umaga sa pagitan ng mga bandido at operating units ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 ay kasalukuyang sinusuyod ng mga ito ang kagubatan nang makasagupa ang nasa 40 bandido sa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Sub Commander Ninok Sapari.

Agad nagkaroon ng palitan ng putok ang mag­kabilang panig na tumagal ng ilang minuto bago nagsiatras ang mga kalaban na kung saan ay limang bandido ang napaslang at ang isang bangkay ang narekober habang apat pa ay nabitbit ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang pitong matataas na kalibre ng armas  na kinabibila­ngan ng isang M14 rifle, isang M16 rifle, dalawang M203, isang M4, isang grenade launchers at sari-saring mga bala.

Wala namang nasu­gatan sa panig ng pamahalaan at patuloy ang hot pursuit operation sa mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB COMMANDER NINOK SAPARI

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MGA

NAREKOBER

NASAWI

PATIKUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with