^

Police Metro

Pamilya, 5 minasaker

Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang limang miyembro ng isang pamilya habang nasugatan ang tatlong iba pa matapos na pagbabarilin ang kanilang bahay na nakatirik malapit sa ilog  kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat ni P/CI Bernard Tayong spokesman  ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang mga nasawi na sina Sara, 9; Pama,10; Mustafa, 12; Ebrahim, 50 at Mohamed Agal, 18.

Habang ang mga nasugatan ay kinilalang sina Jerry; Nasrudin; at Maki Agal.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay nasa higaan na ang mga biktima nang ratratin ang kanilang kubo na nakatayo sa gilid ng ilog ng mga hindi pa nakilalang mga suspek.

Maswerteng hindi natamaan ang isang 3-anyos na bata na si Mojani; lola na si Lipusin, 63; at Anida.

Hindi naman namukhaan ng mga kapitbahay ang mga armadong suspek dahil sa madilim ang pinangyarihan ng insidente.

Sa pahayag ni Brgy. Kayaga, Chairman Bong Bacana na ang mga biktima ay residente ng Sitio Lumayong at bago lamang nanirahan sa lugar dahilan sa hinaharass sila ng mga armadong kala­lakihan sa dati nilang tinitirhan sa Brgy. Manili.-Rhoderick Beñez, Joy Cantos

vuukle comment

ANG

BATAY

BERNARD TAYONG

BRGY

CHAIRMAN BONG BACANA

COTABATO POLICE PROVINCIAL OFFICE

JOY CANTOS

MAKI AGAL

MGA

MOHAMED AGAL

NORTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with