^

Police Metro

2 dedo sa bumagsak na malaking bato

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa idineklarang dead on arrival ang dalawang katao matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato na gumulong sa bundok sa Brgy. Lepanto,Mankayan, Benguet kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Johnny Dollente, 42, ng Poblacion at Cleton Sapino, 23, ng Brgy. Suyoc,pawang ng bayang nabanggit.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insdente dakong alas-6:52 ng hapon sa Nayak Level 1200, Brgy. Le­panto, Mankayan ay kapwa nakaupo ang dalawang biktima at nag-aayos ng mga kahoy ng isang timber company nang biglang gumulong ang isang malaking tipak ng bato.

Sa bilis ng pangyayari ay nabagsakan sa ulo at katawan ang dalawang biktima na kapwa nagtamo ng matitinding sugat sa kanilang mga katawan.

Nagawa pang maisugod sa Lepanto Hospital,pero kapwa idineklara ng dead on arrival.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BENGUET

BRGY

CLETON SAPINO

JOHNNY DOLLENTE

KAPWA

LEPANTO HOSPITAL

MANKAYAN

NAYAK LEVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with