^

Police Metro

Kidnappers ng 3 banyaga, Pinay tugis ng libong pulis at sundalo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinutugis ngayon ng libu-libong  mga pulis at sundalo ang mga kidnaper ng tatlong banyaga at isang Pinay na binihag sa isang resort sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte noong Lunes.

Bumuo na ang mga otoridad ng Special Investigation Task Group (SITG) Oceanview at  isinailalim na rin sa red alert status ang buong puwersa ng tropa ng militar at pulisya sa mga lugar na posibleng tinatahak ng mga kidnaper.

Pinakilos na rin ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri ang naval at air assets ng AFP para tumulong sa ground forces ng militar, pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap sa mga bihag na sina Kjartan Sekkingstad, Norwegian national, mga Canadian na sina  John Ridsdel  at Robert Hall, at ang Pinay na si Maritess Flora.

Nakunan ng CCTV ang 11  kidnaper habang kinakaladkad ang apat  matapos na salakayin ang nasabing resort.

Bagaman hindi naman isinasantabi ng mga otoridad na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG)  ang nasa likod ng insidente dahilan sa istilo ang bumihag sa mga biktima ay patuloy pa rin itong iniimbestigahan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANG

CHIEF OF STAFF GEN

HERNANDO IRIBERRI

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

KJARTAN SEKKINGSTAD

MARITESS FLORA

MGA

NBSP

PHILIPPINE COAST GUARD

SAMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with