^

Police Metro

Kagawad na pusher inutas sa lamayan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay ang isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug syndicate kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Fernando ‘Boy’ Vergara, 58, kagawad ng Barangay Panghulo, residente ng #17 Tahimik St.

Batay sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling araw sa harapan ng isang chapel sa Panghulo Road ay nakikipaglamay ang biktima at kausap nito ang isa sa kaanak ng namatay nang dumating ang isang motorsiklo na walang plaka at sakay ang mga suspek na pawang naka-helmet.

Agad na bumunot ng baril ang mga suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima at nang bumulagta ay mabilis tumakas ang mga suspek.

Sa pahayag ng barangay chairman ng Panghulo na si Esmer Borja, may impormasyon sila na si Vergara ay sangkot umano sa droga kung saan isa umano itong tulak at pinagsabihan pa nga aniya ito na tumigil na sa naturang iligal na gawain, subalit hindi nakinig.

vuukle comment

ANG

BARANGAY PANGHULO

BATAY

ESMER BORJA

FERNANDO

ISANG

MALABON CITY

PANGHULO

PANGHULO ROAD

TAHIMIK ST.

VERGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with