^

Police Metro

Killer ng pulis utas sa pag-agaw ng baril

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang ito ay barilin ng kanyang mga police escort matapos tangkaing agawan umano nito ng baril habang binibiyahe kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang suspek na idineklarang dead on arrival ay kinilalang si Mercury Rodrigo, 28, alyas Jay-ar, ng Pier 1 PFDA, Brgy. North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod.

Nabatid na ang suspek ay naaresto sa iligal na droga at pagpatay din umano sa isang pulis.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang mga pulis na sangkot na sina PO1 Rolando Cruz, PO2 Rollie Ballena at PO3 Allan Torregosa.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw sa tapat ng Navotas City Police headquarters sa may M. Naval Street, Brgy. Sipac Almacen ay kabilang si Rodrigo sa walong preso na dadalhin sa Valenzuela Police Crime Laboratory Office.

Dito ay bigla umanong sinipa ni Rod­rigo si PO1 Cruz at tinangkang agawin ang .9mm pistol service firearm nito hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Agad namang sumaklolo sina Ballena at Torregosa sa kasamahan hanggang sa mapilitan umano na paputukan ang suspek nang malagay sa panganib ang buhay ni De Leon.

Sa record ng pulisya, si Rodrigo umano ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay PO1 Julius Mendoza noong Marso 13.

vuukle comment

ALLAN TORREGOSA

ANG

BRGY

DE LEON

JULIUS MENDOZA

MERCURY RODRIGO

NAVAL STREET

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

RODRIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with