^

Police Metro

Driver inutas sa loob ng kanyang taxi

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob mismo ng minamanehong taxi natagpuang patay ang dri­ver na nakaparada harap ng isang bahay kahapon ng umaga sa San Pascual St., Malate, Maynila.

Ang biktima na may tali sa bibig, nakabalot ng packaging tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa sa kanyang driver seat ay nakilalang si Arturo Amascual, 67, ng no 1855 Oro-B, Sta. Ana, Manila.

Bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-6:30 sa loob mismo ng kanyang ipinapasadang KEN taxi (UYE-361) ay nagtataka ang karelyebo na si Francisco Suzara, 64, na alas-4:00 na ng umaga ay hindi pa bumabalik sa garahe sa Makati City ang biktima.

Nang i-check nila ang GPS device ay natukoy na ang taxi ay nasa  kanto ng San Pascual at Pres. Quirino Avenue kaya’t pinuntahan ang lugar at doon nakita ang biktima na wala ng buhay.

Nakita sa closed circuit television ca­mera (CCTV) sa lugar, ang pag­labas  sa  taxi ng  tatlong lalaki.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTURO AMASCUAL

FRANCISCO SUZARA

MAKATI CITY

MAYNILA

NAKITA

NBSP

QUIRINO AVENUE

SAN PASCUAL

SAN PASCUAL ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with