^

Police Metro

11-taon kulong hatol ng Sandiganbayan sa dating DepEd official

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Guilty ang ibinabang hatol ng Sandiganbayan laban sa dating Director ng DepEd sa Zamboanga del Norte kaugnay ng dalawang kasong graft sa pambubulsa ng pondo ng ahensiya.

Ang kasong graft sa bawat isang count ay may katapat na parusang 7-11 taong pagkakabilanggo.

Sa 53-pahinang desis­yon, sinabi ng Sandiganbayan 1st Division na ang akusadong si Jesus Nieves na dating namuno bilang Director ng DepEd Region 9 sa Zamboanga Peninsulaay inilipat ang P6.1 mil­yong pondo ng ahensiya sa isang dormant na account noong Disyembre 2007 sa pamamagitan ng pakiki­pagsabwatan sa isang staff ng kanilang tanggapan saka winidraw ang pera.

Ayon kina State Auditor Remegio Suico Jr. at kaniyang team base sa paper trail ay pinatutunayan na ang pondo para sa DepEd Region 9’s bank account ay inilipat sa account ng Belgian Agrarian Reform Support Program na nagsara na noong 2007.

Sa testimonya ni Phi­lippine Veterans Bank Area Head Jaime Cesar Santos winidraw ni DepEd cashier Virginia Montero ang malaking bahagi ng pera noong 2017 at pinalitan ng pera ang tseke.

Gayunman namatay si Montero bago pa man naisampa ang kaso sa korte laban sa nasabing iregularidad.

Samantalang hindi naman tinanggap ng anti- graft court ang depensa ng akusado sa pagsasabing ang akusasyon laban dito ay pinatutunayan ng mga ebidensiya.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with