^

Police Metro

Seaman, 4 pa utas sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang katao ang nasawi kabilang ang isang balikbayang seaman nang sumalpok ang kanilang kotse sa isang trailer truck kamakalawa sa kahabaan ng South Coastal Road, Cebu City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rustico Bas, 48, seaman; Oscar Oneo; Rosete Capala, 45; Alma Basalo at pinsan nitong si Gwendolyn Basalo; pawang  nasa mahigit 20-anyos.

Batay sa ulat, bago nangyari ang trahedya sa nasabing lugar dakong alas-3:44 ng madaling araw ay galing ang mga biktima sa kalunsuran ng Cebu at patungong Talisay City lulan ng Hyundai Sedan (7AT-138 756) na minamaneho at pag-aari ni Bas na kababalik lamang sa Cebu City noong nakalipas na linggo ga­ling sa Estados Unidos.

Sa imbestigasyon ay hindi umano napansin ng truck driver (GDG 400) na si Danilo Cojo, 48-an­yos na may hilang trailer at kargado ng 700 sako ng semento, galing sa Naga City, Cebu at  ide-deliver sa pantalan ng Cebu City nang masalpok ang kot­se ng mga biktima.

Nakaladkad pa ng 92 metro ng truck ang kotse ng mga biktima na pawang idineklarang-dead-on arrival sa ospital.

Nakakulong na ang suspek at kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

vuukle comment

ALMA BASALO

CEBU

CEBU CITY

DANILO COJO

ESTADOS UNIDOS

GWENDOLYN BASALO

HYUNDAI SEDAN

NAGA CITY

OSCAR ONEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with