Scam donation sa ‘Fallen 44’
MANILA, Philippines – Binalaan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Carmelo Valmoria ang publiko sa sindikato na nanghihingi ng donasyon para ibigay sa mga pamilya ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos na napatay sa Mamasapano, Magunidanao noong Enero 25.
Ayon kay Valmoria, na hindi nanghihingi ang pambansang pulisya ng cash donations para ibigay sa mga pamilya ng SAF 44.
Kung mayroon aniyang ganitong mga taong nanghihingi ng donasyon ay kaagad itong isumbong sa pinakamalapit na pulisya.
- Latest