^

Police Metro

Bangka lumubog: 25 pasahero nakaligtas

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaligtas ang nasa 25 pasahero na karamihan ay mga estudyante matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng San Miguel Bay. Camarines Norte kamakalawa.

Batay sa ulat, pasado alas-7:00 ng gabi ay pumalaot ang bangka na pag-aari ni Brgy. Manguisoc Chairman Eduardo Cañarejo ng patungong sa kanilang barangay nang masira ang batangan na nag-uugnay sa katig pagda­ting sa gitna ng karagatan hanggang sa ito ay lumubog.

Nakaligtas sa kamatayan ang mga pasahero nang lumangoy papuntang baybayin ang isang 11-anyos na si Mica De Ang, estudyante ng San Roque Elementary School na siyang humingi ng tulong sa mga mangingisda.

Mabilis na rumesponde ang mga mangingisda at nasagip ang 25 katao na ang karamihan ay mga batang mag-aaral.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

MANGUISOC CHAIRMAN EDUARDO CA

MICA DE ANG

NAKALIGTAS

SAN MIGUEL BAY

SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with