^

Police Metro

Barangay hall masaker: 3 todas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinasok ng tatlong hindi pa kilalang kalalakihan ang isang barangay hall at dito ay kanilang pinagbabaril ang apat na biktima sa loob na ikinasawi ng tatlo habang nasugatan ang isa naganap kahapon ng umaga sa Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Pogi Pangandag, 24; Mustafa Makaindig, 60; at Makasandig Baniaga, 57. Habang nasugatan naman ang isang Usman Masimba.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay nasa loob ng barangay hall ang mga biktima nang pasukin ng tatlong lalaki at walang kaabo­­g-abog na pinagbabaril ang mga ito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kulay puting Nissan. Habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pamamaril sa mga biktima.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DATU ISMAEL

HABANG

MAKASANDIG BANIAGA

MUSTAFA MAKAINDIG

POGI PANGANDAG

USMAN MASIMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with