^

Police Metro

Lolo bitin sa sex: 3 apo tinaga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang tatlong paslit na magkakapatid nang pagtatagain sila ng live-in partner ng kanilang lola na nagalit matapos hindi pinasiping naganap kamakalawa ng gabi sa Zone 2, Brgy. Antipolo, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa.

Ang suspek na naaresto sa isang follow-up ope­ration sa bahay ng kapatid nitong si Pedro Frungoso sa Brgy. Maysalay, Goa ng lalawigan ay kinilalang si Jose Frungoso, alyas Felipe, 49.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Princess, 9; Frank Errol, 8 at Onaces Mendenilla, 7, na mga apo ni Lola Melba, nasa mahigit 50-anyos.

Sa ulat na natanggap ni Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Primo Golingay, na ang insidente ay naganap ng madaling araw ng Miyerkules sa bahay ng maglive-in partner sa Zone 2, Brgy. Antipolo, Tinambac.

Bago ang insidente ay umuwing nasa impluwensya ng alak ang suspek na gustong makipag-sex kay Melba.

Hindi pumayag si Melba dahil sa nakapalibot dito ang mga natutulog na apo na ikinainit ng ulo ng suspek.

Bumangon ito at kumuha ng itak at pinagtataga ang walang muwang na mga paslit at pagkatapos ay mabilis na tumakas, subalit makalipas ang ilang oras ay naaresto rin.

Nabatid na ang mga bata ay apo ni Lola Melba sa anak nito sa kaniyang unang asawa na nagtratrabaho sa malayong lugar kaya naiiwan sa pagkalinga niya ang tatlong apo.

vuukle comment

BRGY

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

FRANK ERROL

JOSE FRUNGOSO

LOLA MELBA

ONACES MENDENILLA

PEDRO FRUNGOSO

PRIMO GOLINGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with