^

Police Metro

5 katao sinuwag ng kalabaw

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang limang katao kabilang ang isang pulis matapos na sila ay suwagin ng kalabaw na nakatakdang katayin kamakalawa sa kahabaan ng Gutierrez Drive, Brgy. Putik, Zamboanga City.

Ang mga nasugatan na dinala sa Zamboanga Peninsula Medical Center ay kinilalang sina SPO1 Sylvia Dicen; Gian Ozzy  Romo, 6; Joseph Pulad, 34; Sarah Jean Seballos, 20; at Shikenah Tueres,15.

Batay sa ulat, bago ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga nang magwala ang kalabaw na pag-aari ni Brgy. Councilor Nolia na nakatakdang katayin para ihanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na habang inihahanda ang lugar na pagkakatayan ng mga matadero ay tila nakaramdam ang hayop nang ito ay magwala at manuwag ng mga sibilyan sa lugar.

Eksakto namang napadaan sa lugar si SPO1 Dicen at ng makitang sinusuwag ng mabangis na kalabaw ang batang si Romo ay napatakbo ito upang iligtas ang bata pero maging siya ay sinuwag din.

Nagtulung-tulong ang mga residente hanggang sa mahuli ang nasabing hayop.- Joy Cantos-

vuukle comment

BAGONG TAON

BRGY

COUNCILOR NOLIA

GIAN OZZY

JOSEPH PULAD

JOY CANTOS

ROMO

SARAH JEAN SEBALLOS

SHIKENAH TUERES

SYLVIA DICEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with