^

Police Metro

Estudyante nalunod sa beach resort

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malungkot na sasalubungin ng isang pa­milya ang Bagong Taon matapos na mauwi sa trahedya ang kanilang pagbabakasyon nang malunod ang isang mi­yembro ng pamilya sa dagat ng pinuntahan nilang beach resort kamakalawa sa San Fabian, Pangasinan.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ed Paul Cemitara, 14, estudyante at residente ng Makati City na nagbakasyon lamang sa lugar kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang mawala ang biktima habang lumalangoy kasama ang pamilya nito sa beach resort sa Brgy.Nibaliw West ng nasabing bayan.

Napansin ng kapatid ng biktima na si Mary Lorlaine Cemitara, 34 anyos na nawawala ang kapatid matapos ang ilang oras habang masaya silang nag­lalangoy sa lugar.

Agad namang humingi ng tulong si Mary Lorlaine sa San Fabian Police na nagsagawa ng search and rescue operations.

Natagpuan naman ang biktima na  lumulutang sa dagat at dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

BAGONG TAON

BATAY

ED PAUL CEMITARA

MAKATI CITY

MARY LORLAINE

MARY LORLAINE CEMITARA

NIBALIW WEST

SAN FABIAN

SAN FABIAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with