^

Police Metro

Pulis nadekwat ang baril

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napagnakawan ng kanyang baril ang isang bagitong pulis sa loob mismo ng Caloocan City Police, kamakalawa ng umaga.

 Ini-report ni PO1 Carlito Sadasap, ng no. 3136 Phase 2 Masagana Homes, San Francisco, Bulacan, ang pagtangay sa kanyang service firearm na kalibre .9mm beretta pistol na may isang magazine ng bala.

 Itinuturo nitong tumangay sa kanyang armas ang isang Joselito Andres, tauhan umano ng Caloocan Police Firing Range at residente ng No. 22 Lanzones Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Ayon kay Sadasap, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng HCO Office ng Caloocan Police Station sa may Samson Road, ng natu­rang lungsod  kung saan iniwan niya sa loob ng locker ang kanyang mga gamit kabilang ang baril.

Nang bumalik, napansin niya umano si Andres na pinakikialaman ang kanyang locker at kanyang sinigawan ito na nagresulta ng habulan ngunit nakatakas ang huli at natangay ang baril.

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE FIRING RANGE

CALOOCAN POLICE STATION

CARLITO SADASAP

JOSELITO ANDRES

LANZONES ROAD

MALABON CITY

SAMSON ROAD

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with