^

Police Metro

Senglot pinagtulungang patayin ng mag-ama

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inatado nang saksak ang isang lalaki ng isang mag-ama matapos na makaaway nito ang anak ng suspek naganap kamakalawa sa General Trias, Cavite.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Rheymarc Rebanal, 21, tubong Camarines Norte at nakatira sa Purok II, Brgy. Tejero, Gen. Trias Cavite.

Sumuko sa pulisya ang suspek na si Joy Cabral alyas, Nonoy, 17, vendor. Habang tumakas naman ang tatay nitong si Antonio Napoles, 47.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga ay lasing ang biktima at nakaaway nito ang batang  suspek.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na kung saan ay nakita ng matandang Napoles kaya’t namagitan ito.

Hindi nagustuhan ng biktima ang pakikialam ng matandang Napoles kung kaya’t humantong uli sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang mag-ama at halinhinan nilang pinagsaksak ang una.

vuukle comment

ANTONIO NAPOLES

BRGY

CAMARINES NORTE

CAVITE

GENERAL TRIAS

HABANG

JOY CABRAL

NAPOLES

RHEYMARC REBANAL

TRIAS CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with