^

Police Metro

Mga Magdalo kinupkop ni VP Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang bigong Oakwood mutiny at Manila Peninsula takeover ay kinupkop at binigyan ng trabaho ni Vice President Jejomar Binay ang mga Magdalo soldiers.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Cavite Go­vernor Jonvic Remulla na siyang vice presidential spokesperson for political concerns ni VP Binay kaugnay sa paratang ni Senator Antonio Trillanes IV na sangkot ang Bise Presidente sa bigong kudeta.

Anya, binigyan ni Binay ng trabaho sa Makati City Hall at sa kanyang piggery sa Rosario, Batangas ang mga sundalo bilang pagtulong upang mabuhay ang kanilang mga pamilya pagkatapos ang bigong Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.

Nilinaw din na ang pagbibigay ng trabaho at pagkupkop ni Binay sa mga sundalong nagrebelde ay pagkatapos na ng kanilang pag-aaklas.
“At ‘yung iba doon, inassign doon para magbantay ng babuyan. Ngayon magpapakita siya ng pictures, ito ay nangyari after the [fact], hindi before the fact. Hindi before Penin­sula kundi after lahat ‘yan. Tinulungan niya lahat ‘yan, humingi ng tulong sa kaniya at nagbukas siya ng pintuan. Sabi niya, ‘Halika, tutulungan ko kayo. Magtrabaho kayo para sa akin para mabuhay ‘yung mga pamilya niyo”, dagdag ni Remulla. 

Binigyang-diin ni Remulla na walang anumang naging partisipasyon si Binay sa nasabing bigong kudeta.

Hinimok umano noon si Binay na sumama sa Magdalo soldiers o sumama  sa kudeta, pero hindi umano ito pumayag.

Pinabulaanan din ni Remulla ang naging paratang ni Trillanes na ang mga armas na ginamit sa siege ay hindi naipasok nang walang tulong mula sa Makati City government dahil sa pu­wersahan umanong umakyat ang mga ito na may dalang mahahabang baril.

 

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAVITE GO

JONVIC REMULLA

MAGDALO

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MANILA PENINSULA

REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with