^

Police Metro

Mag-asawa, 1 pa tiklo sa P7-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nakapalag ang isang mag-asawa at isa nilang kasama nang arestuhin sa isang checkpoint matapos makumpiskahan ng P7 milyon halaga ng shabu kamakalawa ng gabi sa Cotabato City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Tato Felmin, misis nitong si Alma at Fahad Guiapar; pawang residente ng lungsod.

Sa ulat ni Cotabato City Police Director P/Sr.Supt. Rolen Balquin, bandang alas-8:30 ng gabi nang maharang ng pinagsanib na elemento ng Cotabato City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ARMM ang isang Isuzu truck na sinasakyan ng mga suspek sa Brgy. Mother Tamontaka ng lungsod na ito.

Agad na nirekisa ang laman ng sasakyan at nakita rito ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon.

Nabatid na nakatanggap ng impormas­yon ang mga otoridad hinggil sa shipment ng methamphetamine hydrochloride na lulan ng mini cargo truck kaya’t inilatag ang checkpoint.

Nahaharap ngayon sa kasong drug traf­ficking ang mga suspek.

vuukle comment

BRGY

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR P

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FAHAD GUIAPAR

MOTHER TAMONTAKA

ROLEN BALQUIN

TATO FELMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with