^

Police Metro

4 negosyante inutas sa bar

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng dalawang lalaki ang apat na negosyante ng scrap metal sa loob ng isang KTV bar sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan  Tolosa, 37, may-asawa, ng Bauan, Batangas; Cesario Manalo; Isco Ramos na namatay noon din at Miguel Aldovino na  namatay habang ginagamot sa Mabini General Hospital.

Ginagamot naman sa ospital ang dalawang nasugatan na sina Rea Bornales, 19, GRO at Marlon Orsal, 41.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima sa loob ng JVK KTV Bar na matatagpuan sa Brgy. San Juan, Mabini dakong alas-10:00 ng gabi ay naglilibang ang mga biktima  nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng dalawang suspek na armado ng M16 rifle at carbine rifle.

Tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang nasugatan.

Nasamsam ng pulisya ang 40 basyo ng bala ng M16 rifle at carbine rifle sa crime scene.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo ang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

CESARIO MANALO

ISCO RAMOS

MABINI

MABINI GENERAL HOSPITAL

MARLON ORSAL

MIGUEL ALDOVINO

REA BORNALES

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with